Malacañang nag-alay ng panalangin para sa Japan matapos ang pananalasa ng Typhoon Hagibis
Nagpahayag ng pakikisimpatya ang Palasyo ng Malacañang sa Japan matapos itong hagupitin ng Typhoon Hagibis.
Ang Typhoon Hagibis ang sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan matapos ang anim na dekada at nag-iwan na ito ngayon ng hindi bababa sa 30 patay
“President Rodrigo Roa Duterte expresses his deep sympathy to the people and government of Japan for those who perished, were injured, or found themselves homeless in the aftermath of the strongest typhoon to hit Japan in decades,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo Linggo ng gabi.
Ayon kay Panelo, mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippines Embassy sa Tokyo ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan din sa Filipino Community sa mga luga na tinamaan ng bagyo.
Bukod sa pag-aalay ng panalangin, hinikayat naman ng Palasyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-ugnayan sa gobyerno ng Japan para sa posibleng tulong na maaaring maibigay ng Pilipinas.
“As we offer our prayers, the Office of the President has likewise asked the Department of Foreign Affairs to get in touch with its Japanese counterpart for possible humanitarian assistance we can provide,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.