ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo
By Rhommel Balasbas October 14, 2019 - 12:09 AM
May ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.
Batay sa abiso ng Shell, may dagdag na P0.25 ang presyo ng kada litro ng gasolina
May katiting na bawas naman na P0.10 sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.40 sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Epektibo ang oil price adjustment ng Shell alas-6:00 bukas, araw ng Martes.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ngayong Lunes ng kanilang price change ang iba pang kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.