Buhay party-list Rep. Atienza: hindi dapat ibalik ang death penalty dahil sa mga tiwaling pulis

By Noel Talacay October 13, 2019 - 11:55 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Buhay party-list Rep. Atienza: hindi dapat ibalik ang death penalty dahil sa mga tiwaling pulis

Iginiit muli ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na hindi maaaring ipatupad ang death penalty sa bansa.

Ayon kay Atienza ang pagkakasangkot ng mga pulis sa mga iligal at criminal activities ay sapat na dahilan para hindi na ibalik sa bansa ang parusang kamatayan.

Aniya na dahil sa mga iligal na gawain ng mga tiwaling pulis ay nagiging mas vulnerable ang publiko sa extortion at drug evidence-planting.

Maaaring anya gamitin ang death penalty bilang pantakot ng mga tiwaling pulis para hingan nga malaking halaga ng pera ang kanilang mga biktima.

Dahil dito naniniwala si Atienza na maaari ring maabuso ang parusang kamatayan ng mga tiwaling matataas na opisyal ng pulis.

Magugunita, muling isinusulong sa kamara ang death penalty na ibalik bilang parusa sa mga nagkasalang may kinalaman sa plunder, kidnapping at panggagahasa, kasama rin dito ang kasong kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

TAGS: Buhay party-list, Buhay party-list Rep. Atienza: hindi dapat ibalik ang death penalty dahil sa mga tiwaling pulis, Death Penalty, drug evidence-planting, Extortion, Rep. Lito Atienza, Buhay party-list, Buhay party-list Rep. Atienza: hindi dapat ibalik ang death penalty dahil sa mga tiwaling pulis, Death Penalty, drug evidence-planting, Extortion, Rep. Lito Atienza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.