Gordon: Senado magrerekomenda ng kaso laban kay Albayalde

By Den Macaranas October 12, 2019 - 05:08 PM

Sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na irerekomenda nila ang pagsampa ng kaso laban kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

May kaugnayan ito sa umano’y cover-up ng pinuno ng PNP sa mga tinaguriang “ninja cops”.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Gordon na hinihintay na lamang niya ang pirma ng ilang mga miyembro ng komite para sa kanilang ulat.

Isasapinal pa lamang nila ang mga kasong posibleng irekomenda laban sa pinuno ng PNP ayon pa kay Gordon.

Bukod sa kasong criminal ay mahaharap rin sa kasong administrado ang opisyal dahil sa bigat ng mga testimonya ng mga testigo ayon pa sa mambabatas.

“It can be graft and corruption; at the very least, negligence. Pero pag-uusapan pa ‘yun ng blue ribbon committee,” dagdag pa ni Gordon.

Samantala, inamin naman ng kampo ni Albayalde na naghahanda na rin sila sa mga posibleng kasong isampa laban sa ilang personalidad na umano’y nagsangkot sa opisyal sa ninja cops.

TAGS: albayalde, Blue Ribbon Commitee, Gordon, ninja cops, albayalde, Blue Ribbon Commitee, Gordon, ninja cops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.