Mga residente na direktang maaapektuhan ng bagyong Hagibis pinalilikas na
Pinalilikas na ang mga residente na direktang maaapektuhan ng bagyong Hagibis.
Ang kautusan ay inilabas ng ilang mga munisipalidad at syudad kabilang ang Tokyo dahil sa inaasahang pagtama ng bagyo sa isla ng Honshu sabado ng gabi.
Sa pagtaya ng Japan Meteorological Agency, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 180 kph na magdadala ng malalakas na pag-ulan at maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslides.
Ang typhoon Hagibis ang itinuturing ngayon na pinakamalakas na bagyo na tatama sa bansa sa nakalipas na 60 taon.
Nagsara na ang ilang mga shops, mga pabrika at mga train networks.
Kinansela na rin ang naka-schedule na Rugby World Cup at ang Formula One Grand Prix.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.