Panibagong operating schedule ng LRT-2 magsisimula na sa Lunes – LRTA

By Marlene Padiernos October 12, 2019 - 01:56 PM

Magdadalawang linggo na ang nakalipas nang sumiklab ang sunog sa power rectifier ng LRT-2 Santolan Station.

Kasunod nito ay muling naglabas ng panibagong operating schedule ngayong araw, October 12, 2019, ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority na nakatakdang magsimula sa araw ng Lunes, October 14.

Ang oras ng operasyon ng tren ay magsisimula ganap na ika-5 am, mas maaga sa ika-6 am na itinakda ng pamunuan ng LRTA noong October 8 bilang pansamantalang operasyon nito.

Sa inilabas na pahayag ng LRTA, magsisimula ang libreng sakay para sa mga estudyante ganap na 3:00pm-4:00pm mula Lunes hanggang Biyernes.

Samantala, magiging limitado pa rin ang magiging byahe ng LRT-2 sa rutang Cubao-Recto vise versa at kasalukuyan pa ring nakatigil ang operasyon nito sa Santolan, Katipunan at Anonas stations dahil sa pinsalang idinulot ng nasunog na rectifiers.

TAGS: Cubao-Recto vise versa, LRT 2, LRTA, Panibagong operating schedule, Cubao-Recto vise versa, LRT 2, LRTA, Panibagong operating schedule

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.