Bong Go: “Si Superman lang ang makaka-solve ng traffic sa Metro Manila”

By Rhommel Balasbas October 12, 2019 - 02:41 AM

Si Superman lang ang makakaresolba sa lumalalang trapiko sa Metro Manila ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go.

Sa pagbisita ng senador sa mga biktima ng sunog sa Sta. Ana Maynila, araw ng Biyernes, sinabi nito na hindi siya sang-ayon na may transportation crisis sa rehiyon.

Anya pa, matagal nang problema ang trapiko sa Metro Manila.

“Ang makaka-solve ng traffic sa Metro Manila, alam mo kung sino? Superman,” ani Go.

“Matagal na iyan. Hindi natin masasabi na crisis, it’s been there, napakatagal na ang traffic sa Metro Manila,” dagdag ng Senador.

Sinabi pa ng senador na hindi na nangako pa si Pangulong Rodrigo Duterte na masosolusyonan ang problema sa trapiko dahil alam nito na wala na siyang magagawa pa.

Payo ng senador ay magsitungo ang mga tao sa probinsya na anya’y maluwag pa at pauunlarin na lamang ang mga ito at sa paggawa ng mga bagong siyudad.

“Si Pangulo hindi nangangako iyan ng hindi niya kayang gawin. Hindi natin ma-solve ito, kaya sinabi ko kanina umuwi na lang tayo sa probinsya. Maluwang pa doon, gumawa na lang tayo ng bagong siyudad,” giit ng senador.

TAGS: Metro Manila traffic crisis, Sen. Bong Go, Superman, Metro Manila traffic crisis, Sen. Bong Go, Superman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.