Manila Water pinabulaanan ang 780 percent increase sa singil sa tubig

By Jong Manlapaz October 11, 2019 - 04:56 PM

Mariing pinabulaanan ng Manila Water na humihirit sila ng 780 percent na increase sa singil sa tubig.

Bagkus nilinaw ng Manila Water na ang 780-percent na sinasabing increase ay ang posibleng gagastusin lamang sa sandaling matapos na ang pagpapatayo ng wastewater facilities.

Sa official statement ng Manila Water, iginiit nila na hindi nila kailanman sinabing ipapasa nila ito sa kanilang mga consumer.

Ayon pa sa Manila Water, ito ay nakapaloob lamang sa inihain nilang motion for reconsideration sa Korte Suprema.

Paliwanag ng water concessionaire, nakatakdang nilang sundin ang Supreme Court mandamus na tapusin ang lahat ng mga proyekto sa wastewater hanggang taong 2037.

TAGS: 780 percent increase, manila water, singil sa tubig, 780 percent increase, manila water, singil sa tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.