Taiwanese pinagmulta dahil sa pagsusuot lamang ng ‘string swimsuit’ sa Boracay
Dinala sa istasyon ng pulisya at pinagmulta ng P2,500 ang isang babaeng Taiwanese tourist dahil sa pagsusuot ng swimwear na “string” lamang sa Boracay.
Nag-viral sa social media ang larawan ng Taiwanese na naka-suot ng “string two-piece bikini” habang namamasyal sa isla.
Sinabi sa INQUIRER.net ni Major Jess Baylon, hepe ng Malay Police na naeskandalo ang mga tao sa Boracay kaya kinunan nila ng larawan ang dayuhan at nag-report sa otoridad.
Inutusan ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang pulisya na papuntahin ito sa police station.
Matapos maabutan sa isang hotel sa Station 1 ay inimbitahan ang babaeng dayuhan kasama ang boyfriend nito.
Nabatid na dalawang beses na nagsuot ang Taiwanese ng string swimsuit, isang kulay puti noong Miyerkules at isang kulay pula araw ng Huwebes.
Pero katwiran ng Taiwanese, wala siyang nakitang mali sa kanyang isinuot na bikini dahil isa anya itong “form of expression” at komportable umano ang katawan nito sa naturang swimwear.
Dahil walang regulasyon sa Boracay na nagbabawal ng pagsusuot ng string bikini, pinagmulta na lamang ang dayuhan base sa probisyon ng ordinansa na nagbabawal sa display ng “lewd photographs.”
Ayon sa pulisya, kailangang bayaran ng Taiwanese ang muota bago ang nakatakdang pag-alis nito ngayong Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.