San Juan Mayor Zamora nag-inspeksyon sa Greenhills

By Len Montaño October 10, 2019 - 02:05 AM

Screengrab of San Juan City LGU video

Nag-inspeksyon si San Juan Mayor Francis Zamora sa kilalang shopping area sa Greenhills para alamin kung mayroong ibinebenta sa lugar na mga nakaw na gamit.

Sa kanyang pag-iikot ay kinausap ni Zamora ang mga may-ari ng mga stalls at tinanong ang mga ito kung nagbebenta sila ng mga nakaw na gamit gaya ng mga cellphone.

Tiniyak naman ng stall owners na hindi nila hinahayaang may makapasok na mga nakaw na gamit sa kanilang mga tindahan.

Nalaman ng alkalde na may regulasyon ang mga nagtitinda para matiyak na hindi nakaw ang second-hand o segunda manong gamit na ibinebenta sa kanila.

Kapag anila hindi maibigay ng nagbebenta ang password o mahalagang detalye ukol sa ibinebentang gamit ay hindi nila ito binibili.

Tiniyak naman ni Zamora na hindi niya ipapasara ang Greenhills Shopping Center.

Hindi rin tutol ang alkalde sa pagbebenta ng second hand items gaya ng cellphone basta anya dapat na hindi ito galing sa nakaw.

TAGS: cellphone, greenhills, inspeksyon, Mayor Francis Zamora, nakaw, san Juan, second hand, shopping center, cellphone, greenhills, inspeksyon, Mayor Francis Zamora, nakaw, san Juan, second hand, shopping center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.