Pagmamalasakit ni Carlos Celdran sa Maynila kinilala ni Mayor Isko Moreno
Binigyang pagkilala ni Manila Mayor Isko Moreno ang “pagmamalasakit” sa Maynila ng pumanaw na cultural activist, performance artist, at tour guide na si Carlos Celdran.
Sa kaniyang post sa Facebook sinabi ni Moreno na sa pagpanaw ni Celdran nawalan ang lungsod ng isang taong pinagmamalasakitan ang Maynila.
Nawalan aniya ng isang “promoter” ang lungsod.
Tinawag din niyang “tagapagtaguyod ng kasaysayan” si Celdran partikular ang mga magagandang aral na maaring mapulot sa Maynila.
Bagaman may ilang taong hindi siya nauunawan, sinabi ni Moreno na natitiyak niyang ang mga nagawa ni Celdran ay kaniyang ginawa para sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.