Lingguhang paglilinis inutos ni Mayor Isko sa mga opisyal ng barangay at city offices
Inutusan ni Mayor Isko Moreno ang mga opisyal ng barangay at mga tauhan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng lingguhang clean-up drive.
Nakasaad ang direktiba ni Moreno sa Executive Order No. 43 na pinirmahan nito kasabay ng kanyang “The Capital Report: The First 100 Days of Bagong Maynila” sa harap ng mga miyembro ng City Development Council sa PICC araw ng Martes.
Binigyan ng alkalde ng mandato na magsagawa ng paglilinis kada linggo ang lahat ng mga chairman ng barangay.
Gayundin ang mga pinuno ng sumusunod na tanggapan sa lungsod: Market Administration Office, City Hospitals, City Universities, Manila Department of Social Welfare (MDSW), Manila Barangay Bureau (MBB), Parks Development Office (PDO), Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB), Department of Public Services (DPS), Public Recreations Bureau (PRB), Manila City Library (MCL), Department of Engineering and Public Works (DEPW), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Pinagsusumite naman ni Mayor Isko ang mga nabanggit ng compliance report kaugnay ng regular na clean-up drive.
“All above concerned officials are hereby directed to conduct a once a week clean-up drive in their respective offices and other facilities and areas within their jurisdiction or under their care and management. A weekly report of compliance shall be submitted to the undersigned (the City Mayor) through the Office of the City Administrator,” nakasaad sa EO ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.