Ilang kadete ng PMA dinala sa V. Luna Medical Center sa QC
Isa pang batch ng mga kadete mula sa Philippine Military Academy (PMA) ang inilipat sa V. Luna Medical Center sa Quezon City.
Pero nilinaw ni Maj. Reynan Afan, spokesperson ng PMA, na hindi dumanas ng pananakit ang mga kadeteng dinala sa nasabing military school.
“Since PMA station hospital is considered as an infirmary with limited personnel and equipment, we had to rely on V. Luna hospital for normal refraction and ortho check-ups,” ayon pa kay Afan.
Ang ilan sa mga kadete ay may injury dahil sa ilang sporting events samantalang ang iba naman ay may sakit tulad ng trangkaso.
Dagdag pa ni Afan, “Some of these cadets, he said, suffered injuries from ball sports in the recent intramurals in the academy”.
Sinabi ng opisyal na isang kadete ang may hip injury samantalang mayroon ring nakitang dumaranas ng compound myopic astigmatism.
Tatlong kadete naman ang isasalang sa MRI scan at orthopedic care.
Hindi na inilabas ng PMA ang pangalan ng nasabing mga kadete pero nasabihan naman umano ang kanilang mga kaanak.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PMA na wala na silang naitalang kaso ng hazing sa loob ng military school makaraan ang pangyayari na naging dahilan ng kamatayan ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.