“Ayoko lang na matalo kami sa SC” – Guanzon

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2016 - 06:56 AM

guanzon1Lumalalim ang sigalot na namamagitan kina Commission on Elections Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon. Ito ay matapos punahin ni Bautista ang pagsusumite ng komento ni Guanzon sa Korte Suprema sa kaso ni Senator Grace Poe nang wala umanong clearance mula sa chairman ng Poll Body.

Ayon kay Guanzon, ayaw lamang naman niyang matalo sila sa kaso sa Korte Suprema. “Ang tanong ko lang, gusto niya bang matalo ang Comelec sa Korte Suprema?” Ayon kay Guanzon.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng dalawang opisyal ng Comelec matapos na magpalabas ng memorandum si Bautista na nag-aatas kay Guanzon na magpaliwanag dahil sa ginawang paghahain ng komento sa Korte Suprema kaugnay sa disqualification case ni Poe.

Ayon kay Bautista, hindi man lang niya nabasa at nalagdaan ang nasabing komento na inihain ni Guanzon.

Pero iginiit ni Guanzon na authorized ang ginawa niyang pagsusumite ng komento kahit hindi pa ito napirmahan ni Bautista. Aniya, 10 araw lamang ang ibinigay ng SC sa Comelec para maghain ng komento at kung hindi sila nakapagsumite ng komento noong January 7 ay matatalo sila sa kaso.

Ang tugon naman ni Bautista, humingi ng extension ang Comelec sa SC para sa halip na January 7 ang deadline ay ay maging January 12, 2016.

Sa desisyon ng Comelec en banc sa disqualification case ni Poe, si GUanzon ay bumoto para ma-disqualify sa 2016 presidential elections ang senadora habang pabor naman kay Poe ang boto ni Bautista.

TAGS: andres bautista, rowena guanzon, andres bautista, rowena guanzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.