Pananakit ng tiyan ng 11 girl scout sa school camping sa Cebu hindi kaso ng food poisoning
Iniimbestigahan na ng Department of Education (DEPED) ang pananakit ng tiyan ng 11 miyembro ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) na nakilahok sa school camping sa Maguiao National High School.
Nauna nang pinawi ng Deped Provincial district ang posibilidad na food poisoning ang sanhi ng pananakit ng tiyan ng mga kabataan.
Sabado ng gabi ng dalhin sa rural health unit center ang mga girl scouts makaraang dumaing ng pananakit ng tiyan.
Walo ang agad na nakauwi matapos ang treatment habang ang tatlo ay nanatili sa pagamutan.
Ayon sa Asturias Police Station, walang naranasang diarrhea at pagsusuka ang mga girl scouts na kadalasang senyales ng food poisoning.
Sa pagsusuri sa naiwang tatlong pasyente, isa sa mga ito ay mayroong menstruation habang ang dalawa pa ay mayroong hyperacidity at isa ang nakararanas ng acute gastritis.
Lumalabas sa imbestigasyon na kumain ng hilaw na sinaing ang kabataan at kinabukasan ay ginawa itong fried rice at bandang alas-4:00 ng hapon ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan ang mga girl scout.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.