Isa pang kaso laban sa pamilya Marcos na may kaugnayan sa ill-gotten wealth ibinasura ng Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 10:17 AM

Muling natano ang pamahalan sa isa pang kaso laban sa pamilya Marcos na may kaugnayan sa hinahabol na ill-gotten wealth.

Ang naturang kasong sibil na isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay layon sanang mahabol ang P1.052 na halaga ng ill-gotten wealth.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 2nd division, hindi sapat ang ebidensya na naihain para mapatunayang si Bienvenido Tantoco ay umaktong dummy para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa inihaing kaso ng prosekusyon, ang mga Tantocos ay nakakuha ng prangkisa para sa operasyon ng duty-free shops.

Layon umano nitong ikubli ang totoong pinagmulan ng kanilang yaman.

Ayon sa the anti-graft court ang mga dokumento at testigong ipinrisinta ng state prosecutors ay bigong makapagpatunay na may conspiracy sa pagitan ng pamilya Tantoco at Marcos.

Ito ang ikalawang forfeiture case laban sa mga Marcos at kanilang umano’y kasabwat na nabasura ng Sandiganbayan ngayong taon.

Noong Agosto, ibinasura din ang P102 billion forfeiture case laban sa umano mga Marcos at umano’y kanilang cronies.

TAGS: forfeiture case, ill gotten wealth, marcos cronies, Marcoses, sandiganbayan, forfeiture case, ill gotten wealth, marcos cronies, Marcoses, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.