‘Bawal Bastos Law’ pwedeng ikasa sa inireklamong Angkas driver
Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na dapat imbestigahan ng Angkas ang reklamo laban sa isang driver nito ng isang babaeng pasahero.
Ayon pa kay Hontiveros maaaring gamitin ng Angkas ang iniakda niyang Republic Act 11313 o ang Bawal Bastos Law para pangaralan ang kanilang mga driver sa tamang pakikitungo sa mga pasahero.
Tiwala din ang senadora na kapag nakumpleto ng Angkas ang kanilang pag iimbestiga ay susunod ang pagpapanagot nila.
Noong nakaraang Sabado isang Angkas driver ang inireklamo ng physical harassment sa kanyang babaeng pasahero na nagpahatid sa Libis, Quezon City.
Inireklamo naman ng pasahero ang driver na agad dinala sa Anonas Police Station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.