Maintenance sa ilang pasilidad ng NGCP sa Pangasinan, isasagawa bukas, Oct. 8

By Noel Talacay October 07, 2019 - 09:07 PM


Nag-anunsyo ang National Grid Corporation of the Philippines na may nakatakdang power interruption sa ilang bahagi ng Pangasinan, araw ng Martes, Oct. 8.

Base sa abiso ng NGCP, magsasagawa sila ng maintenance sa kanilang pasilidad sa Labrador-Malasiqui at Urbiztondo Substation.

Dahil dito mawawalan ng suplay ng kuryente mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Apektado ang ilang lugar na sakop ng Pangasinan tulad ng Malasiqui, San Carlos, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Mangatarem at Urbiztondo Substation.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NGCP na sisikapin nilang maibalik agad ang supply ng kuryente sa nasabing lugar.

TAGS: Binmaley, Bugallon, lingayen, Malasiqui, Mangatarem at Urbiztondo Substation., National Grid Corporation of the Philippines, pangasinan, San Carlos, Binmaley, Bugallon, lingayen, Malasiqui, Mangatarem at Urbiztondo Substation., National Grid Corporation of the Philippines, pangasinan, San Carlos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.