PNOC-Exploration Corp., pinaiimbestigahan ng Malacañang

By Kathleen Betina Aenlle January 11, 2016 - 04:17 AM

 

Mula sa google

Inatasan ng Malacañang ang Governance Commission for Government-owned and controlled corporations o GCG, na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa loob ng Philippine National Oil Company Exploration Corp. (PNOC-EC).

Ito ang aksyon ng Palasyo sa ulat ni PNOC-EC Chair Gemilliano Lopez Jr. kay Pangulong Aquino hinggil sa umano’y mga paglabag sa panuntunan ng Corporation Code at GCG kaugnay sa oil, gas and coal subsidiary ng PNOC.

Lumabas sa inisyal na findings ng GCG na wala umanong ginanap na competitive bidding ang PNOC-EC nang piliin nito ang Pionaire Finance Ltd. bilang international trading partner nito.

Nakasaad rin sa memo ng GCF sa PNOC-EC na may petsang December 16, na hindi sumailalim sa pagsisiyasat ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ang memorandum of understanding sa pagitan ng dalawang kumpanya.

Sa isang liham, inatasan ni GCG Chair Cesar Villanueva at Commissioners Ma. Angela Ignacio at Rainier Butalid ang PNOC-EC na ipa-siyasat sa OGCC ang legal circumstances ng nasabing trading.

Iniulat ni Lopez sa GCG na mayroon umanong sabwatan sa ilang mga PNOC-EC directors para baguhin ang una nang naaprubahang agenda na bunga ng kanilang board meeting noong September 16, 2015, sa pamamagitan ng pagsi-singit ng dalawang iba pang detalyeng lumalabag sa Corporation Code at GCG rules of procedure.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.