WATCH: Albayalde haharap sa imbestigasyon para malinis ang pangalan at maiiwas sa kahihiyan ang PNP
Nakahanda si PNP Chief Oscar Albayalde na humarap sa imbestigasyon para linisin ang kaniyang pangalan.
Sinabi ito ni Albayalde sa media briefing sa Camp Vicente Lim sa Laguna.
Ayon kay Albayalde, ito ay upang maiwasan nang makaladkad pa sa kahihiyan at mabato ng mga akusasyon ang buong PNP.
Nagpasalamat din si Albayalde kina Pangulong Rodrigo Duterte at kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año dahil pinagbigyan siyang malinis ang kaniyang pangalan sa isang patas na imbestigasyon.
Binanggit din ni Albayalde ang pasasalamat kay Pangulong Duterte nang maglinaw ito hinggil sa naunang pahayag na may dalawang police generals na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
Ani Albayalde, isang buwan mula ngayon, handa na siyang iwan ang pwesto sa kaniyang pagsapit sa retirement age para ipasa ang posisyon sa sinumang mapipiling hirangin ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.