Resulta ng imbestigasyon ng DILG sa ‘ninja cops’ ilalabas bago magretiro si Albayalde

By Jimmy Tamayo October 07, 2019 - 10:28 AM

Ilalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkakadawit ng pangalan ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa usapin ng ‘ninja cops’ bago ito magretiro sa November 8.

Sinabi ito ni Secretary Eduardo Año sa pagdating niya mula sa Russia kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng kumpirmasyon na iniimbestigahan nila ang pagkakasangkot ng PNP chief sa drug recycling.

Dagdag pa ng kalihim, hihintayin rin nila ang magiging resulta ng pagdinig ng senado bago maglabas ng kaninang rekomendasyon.

Aminado si Año na kailangan ng matibay na ebidensya na mag-uugnay kay Albayalde sa isyu ng ‘ninja cops’ para idiin ito sa naturang usapin.

Nauna na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya niya sa DILG ang pagpapasya sa kaso ni Albayalde at anumang rekomendasyon ay handa niyang aprubahan.

TAGS: dilg investigation, GCTA, nija cops, Oscar Albayalde, senate hearing, dilg investigation, GCTA, nija cops, Oscar Albayalde, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.