71 anyos na Japanese national na 9 na taong nagtatago sa bansa arestado ng BI

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2019 - 09:41 AM

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 71 anyos na Japanese National na siyam na taong nagtago sa bansa dahil sa kinakaharap niyang kaso sa Japan.

Ayon kay BI chief Jaime Morente, ang suspek ay kinilalang si Jatsumi Ohno, na may kasong fraud sa kaniyang bansa.

Nadakip si Ohno sa Pasay City at agad itong ipatatapon palabas ng bansa upang maharap ang kaso niya sa Japan.

Nabatid na dumating sa Pilipinas si Ohno noon pang April 10, 2011 galing sa Hong Kong.

Turista ang kaniyang visa nang pumasok sa bansa at napaso ang kaniyang pasaporte noon pang November 2018.

Isasama na sa blacklist ng BI ang dayuhan para hindi na muling makapasok sa bansa.

TAGS: fraud, japanese national, wanted, fraud, japanese national, wanted

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.