8 patay, 25 sugatan sa anti-government protests sa Iraq
Walo ang patay habang dalawampu’t lima ang sugatansa panibagong engkwentro sa pagitan nga mga nagpoprotesta at mga pulis sa Baghdad, Iraq.
Nangyari ang insidente sa Sadr City.
Dahil sa panibagong sagupaan ay umabot na sa mahigit 100 ang naitatalang nasawi sa loob lang ng isang linggo matapos mag-umpisa ang mga protesta kontra korapsyon at unemployment.
Ayon sa Sadr City police, ginamitan nila ng baril at tear gas ang mga nagpoprotesta para mabuwag ang mga ito.
Itinuturing kasing banta sa seguridad at malaking hamon sa pamununo ni Prime Minister Adel Abdul Mahdi ang mga nangyayaring pagkilos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.