Dating US President Jimmy Carter sugatan matapos maaksidente sa kanilang tahanan
Sugatan si dating US President Jimmy Carter matapos bumagsak sa kanilang tahanan sa Plains, Georgia.
Kinailangang tahiin ang sugat ng 95 na dating pangulo sa bahagi ng kilay.
Pero ayon sa tagapagsalita niya na si Deanna Congileo, maayos na ang kondisyon ni Carter at makadadalo ito sa Habitat for Humanity event sa Nashville, Tennessee.
Si Carter na dating governor sa Georgia mula 1971 hanggang 1975 ay nahalal na US President noong 1976 at nanilbihan ng isang termino.
Noong 1980 ay tinalo siya sa eleksyon ni Republican Ronald Reagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.