P620M business agreements nilagdaan ng Pilipinas at Russia

By Rhommel Balasbas October 06, 2019 - 11:50 PM

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang limang araw na official visit sa Russia.

Sa press briefing sa Davao City, iniulat ng pangulo ang pag-uwi sa higit P620 milyong halaga ng business agreements na nalagdaan sa kasagsagan ng Philippine-Russia business forum sa Moscow.

Ayon sa pangulo, matapos ang kanyang bilateral meeting kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev ay muling napagtibay ang relasyon ng Russia at Pilipinas.

Sinabi ni Duterte na kapwa sumang-ayon ang dalawang bansa sa pagpapalalim sa ugnayan sa lahat ng ‘areas of cooperation’ mula ‘security and defense’ hanggang sa ‘trade and investment’, ‘agriculture’, ‘energy’, ‘science and technology’, at ‘socio-cultural exchanges’.

“More than P620 million in business deals were also signed during the Philippines-Russia Business Forum in Moscow. We hope that these contracts will generate more jobs and economic opportunities for many Filipinos,” ayon sa pangulo.

Ayon pa sa presidente, nagbigay pa ang Russia ng accreditation sa dalawang fishery establishments ng Pilipinas.

Magbibigay anya ito ng pagkakataon para makapag-export ang bansa ng tuna at iba pang produkto sa Russia at iba pang malalaking bansa sa Eurasian bloc.

Ayon kay Duterte, ang mga bunga ng kanyang state visit sa Russia ay mas nagpalapit sa gobyerno sa layuning magbigay ng mas maunlad, komportable at ligtas na buhay para sa mga Filipino.

“The gains we have made in this visit bring us closer to our objective of a stable, comfortable and a secure life for all Filipinos,” dagdag ng presidente.

TAGS: P620 million business agreements, Philippines-Russia Business Forum, Prime Minister Dmitry Medvedev, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin, state visit in Russia, P620 million business agreements, Philippines-Russia Business Forum, Prime Minister Dmitry Medvedev, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin, state visit in Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.