Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin
Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:21 ng hapon, moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Nueva Ecija, Bataan at Pampanga.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Samantala, heavy to intense rainshowers naman na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila partikular sa Quezon City at Caloocan.
Apektado rin ang San Jose Del Monrte at Bulacan sa Bulacan; San Jose, Mayantoc at Santa Ignacia sa Tarlac; Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipa, San Narciso at San Marcelino sa Zambales.
Kaparehong sama ng panahon din ang mararamdaman sa Magallanes at Cavite City sa Cavite; Alaminos sa Laguna; Rodriguez sa Rizal; Tayabas, Lucban at Mauban sa Quezon.
Pinayuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.