Pamunuan ng Star City, iginiit na iwasang maglabas ng ispekulasyong arson ang dahilan ng sunog

By Angellic Jordan October 06, 2019 - 04:37 PM

Iginiit ng pamunuan ng Star City na iwasang maglabas ng ispekulasyon na arson o sinadya ang sumiklab na sunog sa lugar noong October 2.

Ito ay makaraang ihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na posibleng sinadya ang pagsunog sa sikat na amusement park.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pamunuan ng Star City na hindi muna dapat ideklarang arson ang dahilan ng sunog hangga’t hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Hindi pa aniya klaro sa pamunuan kung ano ang motibo sa sunog, kasama na ang anggulo na anila’y para sa “financial gain.”

Sinabi rin ng pamunuan na malinaw sa mga unang lumabas na larawan na tanging sa warehouse ng mga manika nagmula ang apoy.

Mayroon din anilang gasolina sa loob ng Star City Complex para mapaandar ang ilang rides tulad ng Bumper Boat.

Maliban dito, ipinunto rin na napag-alaman ng pamunuan ng Star City na ang tweet na “STAR CITY IS DYING” ay ukol sa isang television series at hindi sa amusement park.

Ito ay konektado anila sa DC Comics superhero na Green Arrow na lumalaban sa mga krimen at korupsyon.

Kasama ang ilang kawani ng media, nagsagawa ng inspeksyon ang BFP sa nasunog na bahagi ng Star City, Linggo ng umaga.

TAGS: BFP, Star City, sunog, BFP, Star City, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.