2 umano’y rebelde, nasawi sa engkwentro sa Negros Occidental

By Angellic Jordan October 06, 2019 - 03:05 PM

Nasawi ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na engkwentro sa Himamaylan, Negros Occidental Linggo ng umaga.

Nagkaengkwentro ang tropa ng pamahalaan at hindi bababa sa 15 miyembro ng NPA sa 31st Division Reconnaissance Company ng 62nd Infantry Battalion sa bahagi ng Sitio Bugo sa Barangay Buenavista.

Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan matapos madiskubre ang presenya ng rebeldeng grupo sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang 45 bala para sa M16 rifle, tig-iisang backpack, hammock, medical kit, gamot, dalawang NPA sweatshirts, dalawang pares ng bota, apat na pares ng rubber shoes, isang tsinelas at pitaka.

Wala namang nadamay sa panig ng militar.

Patuloy naman ang ikinasang operasyon ng militar para mahuli ang mga nakatakas na rebelde.

TAGS: Negros Occidental, NPA, Negros Occidental, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.