Generic version ng gamot, nasa standard pa rin ng FDA – DOH

By Noel Talacay October 06, 2019 - 04:15 AM

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na high quality pa rin na mga gamot ang ibebenta sa mga botika kahit generic version pa ito.

Kasama sa executive order para magkaroon ng generic version ang mga gamot para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases at major cancers

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sasailalim sa masusing pagsusuri ang mga murang gamot para matiyak na maganda pa rin ang quality nito.

Aniya titiyakin niya na pasok ang mga gamot sa quality standard ng Food and Drug Administration (FDA).

Pahayag pa ng kalihim na kompleto na ang draft ng EO at ibibigay ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na makabalik ito ng bansa.

Ang pangulo ay nasa bansang Russia ngayon bilang bahagi ng kanyang limang araw na state visit doon.

TAGS: cardiovascular disease, chronic lung diseases, department of health, Diabetes, doh, FDA, Food and Drug Administration (FDA), Francisco Duque III, Health Sec. Francisco Duque III, hypertension, neonatal diseases at major cancers, cardiovascular disease, chronic lung diseases, department of health, Diabetes, doh, FDA, Food and Drug Administration (FDA), Francisco Duque III, Health Sec. Francisco Duque III, hypertension, neonatal diseases at major cancers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.