Child pornography website, na-hack ng FBI, 1,300 users nito arestado

By Jay Dones January 11, 2016 - 12:01 AM

 

Mula sa google

Aabot sa 1,300 katao ang inaresto ng Federal Bureau of Investigation o FBI matapos nilang pasukin o i-hack ang isang child pornography website.

Nagawang ma-hack ng FBI ang website na ‘Playpen’at nakuha ang pangalan ng marami sa mga users ng naturang child pornography service.

Nagawang matukoy ang mga miyembro ng naturang website nang ma-hack ng FBI ang server nito noong February 2015.

Sa halip na isara ang website, ginamit ito ng FBI upang matukoy ang mga IP address ng mga users at maaresto ang mga ito.

Ang naturang website ay binuksan noong August 2014 at naging sentro ng child pornography kung saan ang mga users ay maaring mag-log in at mag-upload ng mga larawan na umaabuso sa mga kabataan.

Noong 2015, umabot sa 215,000 ang mga miyembro ng naturang website at naglalaman ito ng 117,000 larawan ng mga menor de edad na inaabuso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.