Bangayang Bautista at Guanzon, dapat nang itigil

By Isa Avendaño-Umali January 10, 2016 - 05:47 PM

 

Mula sa inquirer.net

Pinatitigil ni dating Commission o Elections Chairman Sixto Brillantes ang word-war sa pagitan nina incumbent Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon.

Ang alitan ng dalawa ay nag ugat sa pag-iisyu ni Bautista ng memo laban kay Guanzon makaraang maghain ang Commissioner ng hindi raw otorisadong komento sa Korte Suprema ukol sa Temporary Restraining Order o TRO sa disqualification cases na kinakaharap ni Senadora Grace Poe.

Nagpost pa si Guanzon sa kanyang Twitter account na hindi siya subordinate at hindi siya tauhan ni Bautista.

Pero ayon kay Brillantes, hindi maganda para sa imahe ng Comelec ang bangayan nina Bautista at Guanzon.

Sa halip, iginiit ni Brillantes na marapat na manahimik na lamang ang dalawang Comelec officials at ayusin ang kanilang hindi pagkakasunduan sa pribadong paraan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.