NCRPO magtatalaga ng 521 na tauhan sa loob ng Bilibid
Magtatalaga ng 521 na tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ito ay para makatulong kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa mga ipatutupad nitong reporma sa bilangguan.
Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hiniling ni Bantag ang tulong ng NCRPO sa gagawing cleansing sa NBP.
Matapos ang pulong ng dalawang opisyal, sinabi ni Eleazar na 551 na tauhan ng NCRPO ang itatalaga sa Bilibid.
Magiging pansamantala lamang naman aniya ito habang sumasailaim sa retraining at evaluation ang ibang mga tauhan ng BuCor.
Sa ngayon ay mayroong 200 tauhan ng Philippine National Police – Special Action Force sa Bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.