US senator Edward Markey umapela na rin sa agarang pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima

By Angellic Jordan October 04, 2019 - 03:19 PM

Isa pang US senator ang umapela sa agarang pagpapalaya kay Senadora Leila de Lima.

Si de Lima ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa Twitter, iginiit ni US senator Edward Markey mula sa Massachusetts na tama ang isinusulong nina Senators Richard Durbin at Patrick Leahy.

Si de Lima ay biktima aniya ng ‘very troubling partisan prosecution.’

Para patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno sa Pilipinas, ipinakulong aniya si de Lima at hindi nabigyan ng pagkakataon para ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Dahil dito, dapat lamang aniyang ipagpatuloy ng Estados Unidos ang paglaban para sa karapatang pantao at tamang pamamahala.

Proud din aniya siya sa pag-introduce ng Senate Resolution 142 para sa pagpapalaya kay de Lima.

Kasama ni Markey na naghain ng nasabing resolusyon sina Democrats Chris Coons, Dick Durbin, Republicans Marco Rubio at Marsha Blackburn.

TAGS: 'very troubling partisan prosecution.', kasong ilegal na droga, Sen Leila De Lima, US Senator Edward Markey, US Senator Patrick Leahy, US Senator Richard Durbin, 'very troubling partisan prosecution.', kasong ilegal na droga, Sen Leila De Lima, US Senator Edward Markey, US Senator Patrick Leahy, US Senator Richard Durbin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.