Mga kandidatong senador dapat na mag-inhibit sa Mamasapano reinvestigation
Pinayuhan ni Senador Alan Peter Cayetano si Senadora Grace Poe na mag-inbibit sa reinvestigation ng Mataas na Kapulungan sa Mamasapano Encounter.
Maliban kay Poe, pinag-iinhibit na rin ni Cayetano ang iba pang mga senador na tatakbo sa matataas na posisyon sa May 2016 Elections.
Paliwanag ni Cayetano, ito’y para maiwasan na makulayan ng pulitika ang Mamasapano probe, na muling isasagawa ng Senado sa January 25, 2016.
Bukod kay Poe na tatakbo sa presidential race at Cayetano na sasali naman labanan sa pagka-bise presidente kabilang sa iba pang mga senador na sasabak sa halalan ay sina Miriam Defensor Santiago sa pagka-pangulo; Bongbong Marcos, Francis Escudero at Antonio Trillanes sa pagka-bise presidente.
Si Poe ang chairman ng Senate Committee on Public Order, na lupon na magsisiyasat sa Mamasapano encounter.
Sa oras na mag-inhibit, payo ni Cayetano na isumite na lamang ni Poe at iba pang mga Senador ang kanilang mga katanungan sa komite partikular sa pwedeng atasang manguna sa pagdinig.
Kinumpirma naman ni Cayetano na mag-aassign siya ng counsel na siyang magtatanong para sa kanya sa hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.