Thunderstorm advisory nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 02:13 PM

Patuloy ang pag-ulang nararanasan sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 12:45 ng tanghali ng Biyernes, Oct. 4 ay nakataas pa rin ang thunderstorm advisory sa Metro Manila, Nueva Ecija, at Pampanga.

Ayon sa PAGASA malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar.

Ganito rin ang lagay ng panahon sa mga bayan ng Mayantoc, San Jose at Capas sa Tarlac; Mulanay at General Nakar sa Quezon; Dona Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray sa Bulacan; Zambales; Bataan; Cavite; Laguna; Batangas at Rizal.

Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa posibilidad ng pagbaha bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan.

 

TAGS: Metro Manila, nueva ecija, Pampanga, thunderstorm advisory, weather, Metro Manila, nueva ecija, Pampanga, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.