Hollywood actor na si James Franco nahaharap sa reklamong sexual harassment
Nahaharap sa reklamong sexual harassment ang Hollywood actor na si James Franco na isinampa ng dalawang dating estudyante nito.
Ang reklamo ay inihain sa Los Angeles County Superior Court nina Sarah Tither-Kaplan at Toni Gaal.
Sina Kaplan at Gaal ay dating estudyante nina Franco at ng business partner nitong si Vince Jolivette sa kanilang acting studio na Studio 4 school na binuksan noong 2014.
Nakasaad sa reklamo ng dalawa na kung ano-anong kalaswaan ang pinapakita ni Franco at ng kaibigan nito at ino-obliga silang maghubad sa harap ng aktor.
Iginiit pa sa reklamo na walang ibang layunin ang nasabing “acting school” kundi magsamantala sa mga kababaihang nag-eenrol.
Nabatid na isa sa subject na itinuturo ni Franco ay ang “master class” para sa sex scene kung saan napipilitan ang mga estudyante na gumawa ng kahalayan habang kinukunan ng video.
Kaugnay nito, hinihinakay ni Kaplan na lumutang ang iba pang mga umanoy biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.