4 menor de edad arestado dahil sa droga sa Quezon City

By Rhommel Balasbas October 04, 2019 - 04:58 AM

Dinampot ng mga awtoridad ang apat na binatilyo matapos mahulihan ng iligal na droga sa magkahiwalay na bahagi ng Cubao, Quezon City.

Sa entrance ng Farmers Plaza Mall sa Cubao, nakuhaan ng marijuana sa bag ang 13-anyos at 16-anyos na mga batang lalaki.

Ayon sa Cubao Police, may kasama pang apat na kaibigan ang dalawa nang mahulihan ng dalawang sachet ng marijuana.

Bukod sa marijuana nakumpiska rin ng mga security guard ang ilang drug paraphernalia kabilang ang glass pipe.

Sa Brgy. San Martin de Porres naman, huli sa Oplan Galugad ang dalawa pang binatilyo.

Nahuli sa akto ang dalawa na gumagamit ng iligal na droga sa loob ng isang ginagawang bahay.

Nakuhaan ng isang plastic sachet ng shabu ang dalawang binatilyo at mga drug paraphernalia.

Isasailalim sa inquest ang apat na menor de edad bago dalhin sa isang youth home sa Brgy. NS Amoranto.

TAGS: 4 minors arrested, anti illegal drug operations, Cubao Police, Oplan Galugad, 4 minors arrested, anti illegal drug operations, Cubao Police, Oplan Galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.