Pilipinas pinagtibay ang malakas na ugnayan sa Russia
Sa ika-apat na beses na pagkikita nila ni President Vladimir Putin, pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang commitment ng Pilipinas na magkaroon ng malakas na ugnayan sa Russia.
Sa kanyang opening statement, binanggit ng pangulo ang mga makasaysayang unang pagkakataon na nangyari sa pagitan ng Pilipinas at Russia.
Ayon sa pangulo, bumalik siya sa Russia para palakasin ang partnership ng dalawang bansa.
“I am here today to reaffirm our strong commitment to build a robust and comprehensive partnership with the Russian Federation,” ani Duterte.
Dagdag ng pangulo, umigting ang ugnayan ng Pilipinas at Russia sa iba’t ibang larangan gayundin ang kooperasyon ng dalawang gobyerno kabilang sa ekonomiya, seguridad at militar.
“In the past two years, we have seen a dramatic increase in bilateral activities across many areas of cooperation at various levels of government. We have also made historic firsts in the key strategic areas from economic defense, security and military technical cooperation,” dagdag ng Pangulo.
Ayon pa sa pangulo, mahalagang mapanatili ang naturang mga dayalogo at palakasin ang mekanismo para lalong lumakas ang pundasyon ng lumalakas na relasyon ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.