Napinsala ang bahagi ng SM Pampanga sa San Fernando City dahil sa malakas na ulan, Huwebes ng hapon.
Sa video na ini-upload sa Facebook ni John Ashley Salazar Lising, makikita ang malakas na buhos ng tubig mula sa kisame ng isang restaurant sa loob ng mall.
Nadulas pa ang isang empleyado sa sahig dahil sa tubig.
Sa video naman ni Jansen Mariano, makikitang pinalabas ang mga tao sa isa pang kainan matapos bahain ang sahig nito.
Sa isang entrance ng mall, ilang gamit kasama ang Christmas tree ang bumagsak dahil sa malakas na hangin.
Batay sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA alas-4:30 ng hapon, naranasan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng Pampanga, at iba pang lalawigan sa Luzon.
Sa pahayag na inilabas ng SM Pampanga, sinabing ang malakas na ulan ang sanhi ng pinsala sa bahagi ng mall.
Kinordonan ang apektadong lugar para sa kaligtasan ng customers.
Tiniyak naman ng SM Pampanga na walang nasaktan sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.