Militar at NPA nagka-enkwentro sa Negros Oriental
Nasa 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakasagupa ng militar sa Sitio Cabangahan ng Barangay Bantolinao sa Manjuyod, Negros Oriental araw ng Huwebes.
Tumagal ng 40 minuto ang enkwentro ng mga rebelde at isang platoon mula sa Bravo Company ng 94th Infantry Mandirigma Battalion.
Ayon kay Lt. Col. Randy Pagunaran, commanding officer ng 94th IB, walang sundalo na nasawi o nagsugatan sa bakbakan.
Tumakas anya ang mga NPA members at posible anyang maraming casualties sa panig ng mga rebelde batay sa mga dugong nagkalat sa escape route.
Tumugon anya ang militar sa report ng presensya ng mga armadong grupo sa lugar nang maka-enkwentro nila ang mga rebelde.
Sa clearing operation ay narekober ang iba’t ibang gamit kabilang ang mga baril, pampasabog at radyo gayundin ang mga personal na gamit ng mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.