Eleazar pinalilipat sa ibang lugar ang ilang PCP ng NCRPO na nasa kalsada

By Noel Talacay October 03, 2019 - 11:21 PM

File photo

Nanawagan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na hanapan ng ibang lugar para paglipatan ng mga Police Community Precincts (PCP).

Ayon kay NCRPO Chief, P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar, may iba pang PCP sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) na hindi pa naaalis sa mga daanan ng mga tao pero maaari naman itong ilipat sa ibang lugar.

Mas marami naman na anya silang natanggal na mga PCP na nakaharang sa mga kalsada sa mga lugar sa Metro Manila.

Sa kabuang anya ay naging maganda ang resulta ng clearing operation sa kalakhang Maynila.

Matatandaang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin at ibalik sa publiko ang mga pangunahing kalsada bilang tugong sa lumamalang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Binigyan ang mga LGU ng 60 araw para sa clearing operations.

 

TAGS: clearing operation, LGU, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Metro Manila, NCRPO, pcp, trapik, clearing operation, LGU, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Metro Manila, NCRPO, pcp, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.