LRT-2, suspendido ang operasyon sa Biyernes, Oct. 4

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 08:09 PM

Sinuspinde na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa araw ng Biyernes, October 4.

Ito ay matapos ang insidente ng pagkasunog ng power rectifier sa Katipunan Station, Huwebes ng umaga.

Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, suspendido ang buong operasyon ng tren bukas batay sa pinakahuling ulat ng LRTA engineering and safety units.

Hindi rin aniya magpapatupad ng partial line operations sa tren.

Ani Cabrera, bunsod ito ng mga technical at safety concern sa nasabing tren.

TAGS: hernando cabrera, LRT 2, LRTA, hernando cabrera, LRT 2, LRTA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.