Walang intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na bastusin si Russian Prime Minister Dmitri Medvedev nang gumamit nang hindi maayos na necktie sa kanilang bilateral meeting sa Moscow, Russia.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi nagmukhang unkempt ang pangulo sa paglalarawan ni Pavel Vondra na editor ng Czech Radio Plus sa Prague na mistulang naglasing magdamag at kagagaling lamang sa pub ng Punong Ehekutibo.
Ayon kay Panelo, sinadya ni Pangulong Duterte na bahagyang luwagan ang kaniyang necktie dahil sa hindi siya komportable at nasasakal.
Sinabi pa ni Panelo na pinipili ng pangulo ang pagsusuot ng damit kung saan siya komportable at hindi para magpakitang gilas sa porma.
Iginiit din ni Panelo na ‘very hygienic’ at mabango ang pangulo gaya ng obserbasyon ng ilang tao na nakalalapit sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.