Operasyon ng LRT-2, hindi na mag-reresume ngayong Huwebes ng gabi
Hindi na magbabalik sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Huwebes ng gabi.
Sa Twitter, inanunsiyo ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator General Reynaldo Berroya na ito ay dahil tuloy pa rin ang safety inspection ang LTRA Engineering and Maintenance team sa kondisyon ng nalalabing power rectifier substations sa revenue line.
Ang pangunahing tinututukan aniya ng LRTA ay alamin kung gaano katindi ang pinsala ng sumiklab na sunog sa istraktura at pasilidad ng tren.
Humingi rin ng paumanhin si Berroya sa mga apektadong pasahero dahil sa abala ng nangyaring insidente.
Tiniyak naman ni Berroya sa publiko na gagawin nila ang lahat ng aksyon para sa posibleng implementasyon ng degraded operations mula Anonas o Cubao hanggang Recto at pabalik sa araw ng Biyernes, October 4.
Simula 11:24, Huwebes ng umaga, nang suspendihin an operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.