Isang pulis-Pampanga, pina-cite in contempt ng Senado
Ipinag-utos ng Senado na makulong ang isang pulis-Pampanga na sangkot umano sa pag-recycle ng ilegal na droga.
Pinangunahan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ma-cite for contempt si Police Lt. Col. Rodney Raymundo Louie Baloyo.
Sinuportahan naman ito ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon dahil sa aniya’y pagiging “very evasive” ni Baloyo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ipakukulong si Baloyo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Si Baloyo ang nanguna sa anti-drug operation sa Mexico, Pampanga taong 2013 kung saan nakasuhan siya kasama ang labing-dalawang iba pang pulis ng grave misconduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.