Maraming lalawigan kalapit ng Metro Manila makararanas ng malakas na pag-ulan
Maraming lalawigan na kalapit ng Metro Manila ang makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 4:00 ng hapon ng Huwebes (Oct. 3), moderate to heavy ang mararanasang buhos ng ulan sa Pampanga, Rizal, Laguna, at Batangas sa susunod na mga oras.
Ganito rin ang lagay ng panahon sa bayan ng Santa Cruz at Botolan sa Zambales; Bamban at Capas sa Tarlac, CArranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose, Munoz, Llanera, Rizal, General Mamerto Natividad, Palayan, Laur, Gabaldon, at General Tinio sa Nueba Ecija; Dona Remedios Trinidad, Bulacan; General Nakar, Mulanay, at Catanauan sa Quezon.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.