Election period, opisyal nang nagsimula! S.A.F.E. campaign inilunsad!
Nagsama-sama ngayong araw ang mga tauhan at opisyal ng Commission on Elections, Philippine National Police, Department of Interior and Local Govenrment at iba pang ahensya ng pamahalaan sa kick-off ceremony para sa kampanya kaugnay nakatakdang May 2016 Elections.
Ito’y hudyat din ng pag-uumpisa ng election period ngayong January 10.
Ang parada para sa tinatawag na SAFE o Secure and Fair Elections ay pinangunahan nina DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at Comelec Chairman Andres Bautista.
Nakibahagi rin ang mga taga-PNP, Department of National Defense, Department of Education at mga non-government organizations o NGOs.
Nag-umpisa ang kick-off parade sa Quirino Granstand, sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga aktibidad sa SAFE ceremony ay peace walk, covenant signing at candle lighting.
Bukod sa pagsisimula ng election period, ngayong araw din epektibo ang gun ban at pagdadagdag ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa halalan sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.