Isang kaso ng sexual abuse sa Filipino worker naitala sa Russia

By Chona Yu October 03, 2019 - 08:55 AM

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta na may isang kaso ng sexual abuse sa Overseas Filipino Worker (OFW) ang naitala sa Russia.

Ayon kay Sorreta ang employer ng OFW ang suspek sa krimen.

Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon si Sorreta sa naturang kaso.

Bagamat may isang kaso ng sexual abuse, ibinida naman ni Sorreta na walang naitatalang pang-aabuso sa mga OFW sa Russia sa nakalipas na apat na taon.

Wala aniyang naire-report sa embassy na may binubuhusan ng mainit na tubig o may ikinukulong o may pinaplantsa na OFW sa Russia.

Maayos aniya ang pagtrato ng mga employer sa mga OFW.

Ayon kay Sorreta may mga kaso naman ng mga OFW na sila sila ang nag-aaway at nagkakasakitan.

Nasa Russia ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa limang araw na official visit.

Ayon kay Sorreta isa sa mga mapag-uusapan nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin ang kapakanan ng mga OFW.

TAGS: abuse, ofw, Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta, Russia, abuse, ofw, Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.