5 motorsiklo inararo ng isang SUV sa Maynila, 3 sugatan
Sugatan ang tatlong katao makaraang sumalpok ang isang SUV sa isang lote sa Pablo Ocampo kanto ng Adriatico St. sa Maynila.
Sa pahayag ng mga residente sa lugar, mabilis ang andar ng kulay itim na Mitsubishi Montero.
Nakilala ang driver nito na si Andrea Abdon, 25 anyos na sinasabing nakainom.
Nangyari ang aksidente alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes, Oct. 3 kung saan limang motorsiklo ang inararo ng SUV na pawang wasak at halos ‘di na mapapakinabangan.
Mayroon namang nakatayo sa lugar na nahagip ng SUV.
Nakilala ang mga sugatan na sina Collein Ugale, 23 anyos; Maricel Cawili, 23 anyos at Danica Diputado, 21 anyos.
Isa sa kanila ay pumailalim pa sa gulong ng SUV.
Maliban sa tatlong nasaktan at mga motorsiklong nasira, tinamaan din ang mga kuntador ng tubig sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.