Higit 600 arestado sa SACLEO sa Parañaque
Umabot sa mahigit 600 indibidwal ang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Parañaque City Police mula October 1 hanggang October 3.
Karamihan sa mga nahuli ay lumabag sa city ordinances kung saan 164 ay may paglabag sa smoking ban at 96 ang nahuling uminom sa pampublikong lugar.
Dalawampu’t tatlo naman ang naaresto dahil sa pagsusugal.
Sa checkpoints at Oplan Sita ay umabot sa 286 ang nahuli at natiketan.
Nahuli rin ang 19 na drug suspects na pawang gumagamit at nagtutulak ng bawal na gamot.
Nakakumpiska ng pulisya ang aabot sa 325 plastic sachets ng shabu na may bigat na 100 grams at walong sachet ng marijuana
Labing-isa ang timbog naman sa illegal possession of firearms.
Nakumpiska sa operasyon ang 19 na baril at kusang isinuko ang 13 pa.
Iprinesenta ng Parañaque Police at Southern Police District (SPD) ang mga naaresto at nakuhang ebidensya kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.